๐— ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ข๐—ฆ๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—–๐—ฆ๐—›๐—ฆ, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†-๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป

ANG BAGWIS โ€“ OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL

Isinagawa ng Pasay City South High School (PCSHS) ang taunang State of the School Address (SOSA) nitong ika-13 ng Hunyo, 2025, na nilahukan ng mga magulang ng mga mag-aaral mula baitang 7 hanggang 12. Pinangunahan ito ng Punongguro, Dr. Felina P. Patagan, kung saan kanyang inilahad ang mga nagdaang tagumpay, kasalukuyang kalagayan, at mga hinaharap na plano ng paaralan.
Sa pagbubukas ng programa, mainit na pagbati ang ipinahayag ng Kawaksing Punongguro, G. Victor L. Tubilan, kung saan kanyang pinuri ang pagiging lider ng Pasay City sa larangan ng basic literacy skills. Ayon sa kanya, handa na ang PCSHS para sa pagbubukas ng klase sa darating na Lunes. Sinundan ito ng talumpati ni Dr. Patagan na siyang nagpaliwanag sa layunin ng SOSAโ€”ang pagbibigay-ulat sa mga magulang, mag-aaral, at komunidad hinggil sa lagay at direksyon ng paaralan.
Inilahad ni Dr. Patagan ang mga tagumpay ng PCSHS, kabilang ang pagkilala bilang isa sa mga paaralan sa Pasay City na pinakamarunong sa pagbasaโ€™t pagsulat sa buong National Capital Region, at ang pagsapit sa SBM Level 3 of Practice. Binanggit din niya ang pagdami ng mga enrollees at ang pagpapalakas ng Senior High School Program, kung saan ang PCSHS ay isa sa mga napiling mag-pilot ng bagong SHS curriculum. Ipinahayag din niya ang pangangailangan ng bawat silid-aralan ng mga kabinet upang paglagyan ng mga panlinis at gamit sa kalinisan.
Nagbigay rin ng ulat ang School Parent-Teacher Association (SPTA) President na si Gng. Pamela A. Manuel ukol sa mga proyekto gaya ng pagkukumpuni ng pasilidad, donasyon, at iba pang programang pinondohan para sa ikabubuti ng paaralan. Kasunod nito, inilahad nina Guidance Counselor ng Junior High School, Gng. Jingle Go at G11 Coordinator, Gng. Mekisa A. Abuan ang mga regulasyon ng paaralan gaya ng tamang kasuotan, gupit, pagliban sa klase, at kampanya kontra-bullying.
Hindi rin nakaligtaan ang pagbibigay-pugay sa mga naging katuwang ng paaralan, kabilang ang mga opisyal ng Barangay 183 at Sangguniang Kabataan, pati na rin ang mga tagapayo ng JHS at SHS. Nagpasalamat din si Gng. Wilma V. Amores ng Filipino Department sa lahat ng dumalo at nakiisa, kasabay ng pag-asa na mas higit pang tagumpay ang makakamit sa taong panuruan 2025-2026.
Ang SOSA 2025 ay nagsilbing salamin ng dedikasyon ng buong pamayanan ng PCSHS sa patuloy na paghubog ng makabuluhang edukasyon at mas magandang bukas para sa kabataan ng Pasay.