๐๐‚๐’๐‡๐’, ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ๐ฌโ€™ ๐‹๐จ๐ฎ๐ง๐ ๐ž ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ• ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐ฉ๐„๐

ANG BAGWIS โ€“ OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL

Noong ika-24 ng Hunyo, 2025, opisyal na binuksan ang Teachersโ€™ Lounge sa Pasay City South High School (PCSHS) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng pagkakatatag ng Department of Education (DepEd).
Isinabay ang soft opening ng bagong pasilidad sa naturang anibersaryo na may temang โ€œDepEd Empowered Workforce, Transformed Education: Strengthening Service for Brighter Future.โ€ Nilayon nitong ipakita ang pagpapahalaga sa dedikasyon at serbisyo ng mga guro sa institusyon.
Bilang bahagi ng pagbubukas, pinasaya ang mga guro sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng sandwich at walang katapusang kape โ€” isang simpleng handog para sa kanilang walang sawang sakripisyo.
Lubos ang naging kasiyahan ng pamunuan at mga guro ng PCSHS sa pagbubukas ng Teachersโ€™ Lounge. Itinuring nila itong malaking tulong upang magkaroon ng mas komportableng lugar kung saan sila ay maaaring makapagpahinga at makapag-recharge mula sa kanilang mga tungkulin.
Inasahan ng paaralan na magsisilbing simula ito ng mas marami pang inisyatibong sumusuporta sa kapakanan ng mga guro sa hinaharap.