Buwan ng Wika 2025, Pormal na Sinimulan sa PCSHS by: ANG BAGWIS August 6, 2025 Pormal na inilunsad ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 sa Pasay City South High School (PCSHS) nitong Martes, ika-5 ng Agosto, sa pangunguna ng mga guro, mag-aaral, at opisyal ng paaralan. Ang selebrasyon ay may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,” na layuning palalimin ang pagpapahalaga sa wikang pambansa at mga katutubong wika ng Pilipinas.Binuksan ang programa sa pamamagitan ng makulay na parada sa loob ng paaralan kung saan nagpakita ng pagkakaisa at kasiglahan ang bawat mag-aaral sa pagsusuot ng makabayang kasuotan at pagdadala ng bandila ng Pilipinas. Pinangunahan ang pagbubukas ng programa ni Gng. Janette A. Catabian, na sinundan agad ng pambungad na pananalita ng kasalukuyang Punongguro IV ng PCSHS, Dr. Felina P. Patagan. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay hindi lamang sa pagsuot ng barong bagkus ito ay paglalayag bilang isang mamamayang Pilipino. “Hindi lamang ito basta pagpapakita ng ating kasuotan – ito’y pagpapakita ng ating wika, ng ating lengguwahe,” ani ni Dr. Patagan. Upang pasiglahin ang programa, naghandog ng masiglang pagtatanghal ang Southenian Dancesports Team, tampok ang mga sayaw sa saliw ng mga awiting Filipino. Samantala, inilunsad din ang mga patimpalak para sa mga mag-aaral na magpapamalas ng galing sa panitikan, sining, at kultura. Inilahad ni Gng. Jannet B. Tolosa ang mga patimpalak para sa Junior High School, kabilang na ang mga eksklusibong paligsahan para sa mga mag-aaral ng Ika-10 Baitang. Kasabay nito, inihayag naman ni Gng. Melanie R. Azor ang mga inihandang patimpalak para sa Senior High School. Bilang pagtatapos, nagbigay ng pangwakas na mensahe si G. Victor L. Tubilan, Kawaksing Punongguro II, kung saan inanyayahan niya ang lahat na makiisa sa mga susunod na gawain ng Buwan ng Wika, kabilang na ang patimpalak sa Pinakamahusay na Kasuotang Pilipino, na naglalayong higit pang hikayatin ang pagpapakita ng pagmamalaki sa kulturang Pilipino.
SHAPING THE FUTURE OF LEARNING: PCSHS LRC & ICT BENCHMARKING PARTNERSHIP
SHAPING THE FUTURE OF LEARNING: PCSHS LRC & ICT BENCHMARKING PARTNERSHIP by: THE WINGS July 12, 2025 Pasay City South High School proudly launched the PROJECT LASPS (Library Automation System for Pasay South) on June 25, 2025, at the PCSHS Audio- Visual Room. This innovative system was implemented in the PCSHS Learning Resource Center and developed by the Tech Leaders Club under the guidance of Club Adviser Mr. Arnel B. Almedora and his dedicated team. This is a collaboration with the Information, Communication and Technology Team as well as the English and HUMSS English Department to further facilitate learning and doing it in a modernized and user- friendly way. The collaboration between DepEd Sorsogon and SDO Pasay made this benchmarking successful, setting strong partnerships for future projects to happen. Students can now access resource materials and e-books in the PCSHS Database. This marks the beginning of a comfortable learning in the institution.
PCSHS Celebrates the 51st Nutrition Month
PCSHS Celebrates the 51st Nutrition Month! by: HE CLUB July 4, 2025 The Pasay City South High High School with the collaboration of TLE Department and TVL Group H.E Club proudly took part in the nationwide celebration of the 51st Nutrition Month, embracing the spirit of promoting health and wellness among students. This year’s celebration highlighted the importance of making healthy choices and developing sustainable habits for a better quality of life. The event was made more meaningful with the participation of our supportive School Principal, Assistant Principals, Department Heads, and School Nurse, who shared valuable insights and practical tips on how to stay healthy, motivated, and well-informed about proper nutrition and food choices. Their words inspired everyone to take small yet impactful steps toward a healthier lifestyle. As part of the celebration, students and club members shared their knowledge and ideas on nutrition, encouraging their peers to make informed decisions about the food they eat and the habits they cultivate. Together, we emphasized that good nutrition and good habits are key to achieving a stronger body, a sharper mind, and a happier life. Let us continue to embrace the importance of nutrition—not just for ourselves, but for our entire community. When we work together, we can build a healthier, more resilient, and more caring environment for all. 💪🏻✨ This year’s Nutrition Month carries the inspiring theme:“Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat, Para sa Lahat!Food Security, Maging Priority — Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”
PCSHS, napiling DepEd-NCR pilot school para sa Strengthened SHS Program SY 2025–2026!
PCSHS, napiling DepEd-NCR pilot school para sa Strengthened SHS Program SY 2025–2026! ANG BAGWIS – OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL – Ang Pasay City South High School ay isa sa mga magpa pilot school o magpapatupad ng STRENGTHENED SHS PROGRAM! Maswerte ka Southenian!Sa mga nagtatanong kung tuluyan nang aalisin ang Senior High School (Grade 11 at 12) sa SY 2025-2026, ang sagot sa tanong na ito ay: HINDI.Sa Strengthened SHS Program, inalis na ang mga strands (HUMSS, STEM, ABM, at iba pa). DALAWA na lang ang natitira: ACADEMIC at TVL na lang ang pagpipilian.Kaya kung ang anak mo ay nangangarap ng ABM sabihin mo sa kanya na sa bagong curriculum ay wala nang strand, track na ang pipiliin. Sabihin mo sa kanya na huwag na siyang pumunta sa mga malalayong paaralan kung saan ang malapit ay doon na siya mag-aral dahil masasayang lang ang iyong gastos at pagod dahil pareho lang din ang ituturo doon sa ibang mga paaralan.Sa academics, naroon na pinagsama ang HUMSS, ABM at STEM. Ang sa TVL naroon na ang lahat ng mga strands sa ilalim ng TVL tulad ng Agriculture (AFA), Beauty Care, Food Processing, SMAW, at iba pa.Sa ilalim ng bagong curriculum na ito, ang mga subjects ay pinangkat sa tatlo:Core SubjectsAcademics (Electives)TechPro (TVL) (Electives)Ang dating Applied at Specialized subjects ay tatawagin nang elective subjects.Ang Strengthened SHS program ay may mga sumusunod na benepisyo:BABAWASAN ang subjects (core subjects) mula sa 17 ay gagawin na lang 5. Ang ibig sabihin ng core subjects ay kahit ano ang iyong strand sa dati pang curriculum ng SHS na ABM, HUMSS, Beautycare at Agri ay may pare-pareho kayong subjects tulad ng EAPP, UCSP, General Mathematics. Babawasan ito dahil nagdodoble ang subjects kaya mas magiging magaan ang bata sa bagong curriculum. Ang 5 core subjects ay ang sumusunod: Effective Communication, Life Skills, General Mathematics, General Science, at Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino. Matutukan ang competency na dapat matutunan ng bata.HAHASAAN ang mga SHS Graduates partikular sa TVL sa pamamagitan ng immersion upang maging handa sila sa demand ng industry na kanilang papasukan kung maghahanap sila ng trabaho. Dahil ang huling semester nila sa grade 12 ay gugugulin nila sa immersion o tinatawag na OJT sa college. Magiging Competitive sila.BIBIGYAN ng CHOICES ang mga learners na tinatawag na “DOORWAY OPTIONS” upang ang mga bata ay may karapatang kumuha at pumili ng mga subjects nila na nakalinya sa kanilang kukunin na kurso sa college. Halimbawa kung ang bata ay may planong mag-engineering, lahat ng elective subjects sa ilalim ng engineering ay mga mathematics ang dapat niyang kunin. At mayroon nang freedom ang bata na pumili ng kanyang mga elective subject mula sa ibang track (Academic o TechPro) upang maiwasan na makulong siya sa kanyang kinuha na track. Halimbawa, nasa academics siya, makakakuha siya ng elective subjects sa TVL, pwede.Note: Ang mga papasok ng grade 12 ngayong SY 2025-2026 ay “AS IS” WALANG PAGBABAGO, itutuloy ang inyong curriculum. Ang maaapektuhan lang ay ang PAPASOK NG GRADE 11. Kaya ikaw kung hindi ka pa tapos ng grade 12 dahil huminto ka, dapat mag-aral ka na dahil baka maabutan ka ng Strengthened SHS Program/Curriculum, babalik ka pa ng grade 11.Kaya base sa Senior High School Strengthened Program (Curriculum), magta-transfer ka pa ba ng school? Pagdating mo doon sa paglilipatan mong school, wala na doon ang STEM, HUMSS, SPORTS, ABM, SMAW, nagpakapagod ka lang talaga.Sana nakapagbigay linaw ito sa ating lahat lalo na sa mga magulang na NAG-AALALA talaga dahil daw mawawala na ang SHS.
𝐏𝐂𝐒𝐇𝐒, 𝐁𝐢𝐧𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬’ 𝐋𝐨𝐮𝐧𝐠𝐞 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟐𝟕 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝
𝐏𝐂𝐒𝐇𝐒, 𝐁𝐢𝐧𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫𝐬’ 𝐋𝐨𝐮𝐧𝐠𝐞 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟐𝟕 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 ANG BAGWIS – OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL – Noong ika-24 ng Hunyo, 2025, opisyal na binuksan ang Teachers’ Lounge sa Pasay City South High School (PCSHS) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng pagkakatatag ng Department of Education (DepEd).Isinabay ang soft opening ng bagong pasilidad sa naturang anibersaryo na may temang “DepEd Empowered Workforce, Transformed Education: Strengthening Service for Brighter Future.” Nilayon nitong ipakita ang pagpapahalaga sa dedikasyon at serbisyo ng mga guro sa institusyon.Bilang bahagi ng pagbubukas, pinasaya ang mga guro sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng sandwich at walang katapusang kape — isang simpleng handog para sa kanilang walang sawang sakripisyo.Lubos ang naging kasiyahan ng pamunuan at mga guro ng PCSHS sa pagbubukas ng Teachers’ Lounge. Itinuring nila itong malaking tulong upang magkaroon ng mas komportableng lugar kung saan sila ay maaaring makapagpahinga at makapag-recharge mula sa kanilang mga tungkulin.Inasahan ng paaralan na magsisilbing simula ito ng mas marami pang inisyatibong sumusuporta sa kapakanan ng mga guro sa hinaharap.
𝗠𝗮𝘁𝗶𝘄𝗮𝘀𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗢𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗻𝗴 𝗣𝗖𝗦𝗛𝗦, 𝗡𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆-𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻
𝗠𝗮𝘁𝗶𝘄𝗮𝘀𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗢𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗻𝗴 𝗣𝗖𝗦𝗛𝗦, 𝗡𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆-𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 ANG BAGWIS – OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL – Isinagawa ng Pasay City South High School (PCSHS) ang taunang State of the School Address (SOSA) nitong ika-13 ng Hunyo, 2025, na nilahukan ng mga magulang ng mga mag-aaral mula baitang 7 hanggang 12. Pinangunahan ito ng Punongguro, Dr. Felina P. Patagan, kung saan kanyang inilahad ang mga nagdaang tagumpay, kasalukuyang kalagayan, at mga hinaharap na plano ng paaralan.Sa pagbubukas ng programa, mainit na pagbati ang ipinahayag ng Kawaksing Punongguro, G. Victor L. Tubilan, kung saan kanyang pinuri ang pagiging lider ng Pasay City sa larangan ng basic literacy skills. Ayon sa kanya, handa na ang PCSHS para sa pagbubukas ng klase sa darating na Lunes. Sinundan ito ng talumpati ni Dr. Patagan na siyang nagpaliwanag sa layunin ng SOSA—ang pagbibigay-ulat sa mga magulang, mag-aaral, at komunidad hinggil sa lagay at direksyon ng paaralan.Inilahad ni Dr. Patagan ang mga tagumpay ng PCSHS, kabilang ang pagkilala bilang isa sa mga paaralan sa Pasay City na pinakamarunong sa pagbasa’t pagsulat sa buong National Capital Region, at ang pagsapit sa SBM Level 3 of Practice. Binanggit din niya ang pagdami ng mga enrollees at ang pagpapalakas ng Senior High School Program, kung saan ang PCSHS ay isa sa mga napiling mag-pilot ng bagong SHS curriculum. Ipinahayag din niya ang pangangailangan ng bawat silid-aralan ng mga kabinet upang paglagyan ng mga panlinis at gamit sa kalinisan.Nagbigay rin ng ulat ang School Parent-Teacher Association (SPTA) President na si Gng. Pamela A. Manuel ukol sa mga proyekto gaya ng pagkukumpuni ng pasilidad, donasyon, at iba pang programang pinondohan para sa ikabubuti ng paaralan. Kasunod nito, inilahad nina Guidance Counselor ng Junior High School, Gng. Jingle Go at G11 Coordinator, Gng. Mekisa A. Abuan ang mga regulasyon ng paaralan gaya ng tamang kasuotan, gupit, pagliban sa klase, at kampanya kontra-bullying.Hindi rin nakaligtaan ang pagbibigay-pugay sa mga naging katuwang ng paaralan, kabilang ang mga opisyal ng Barangay 183 at Sangguniang Kabataan, pati na rin ang mga tagapayo ng JHS at SHS. Nagpasalamat din si Gng. Wilma V. Amores ng Filipino Department sa lahat ng dumalo at nakiisa, kasabay ng pag-asa na mas higit pang tagumpay ang makakamit sa taong panuruan 2025-2026.Ang SOSA 2025 ay nagsilbing salamin ng dedikasyon ng buong pamayanan ng PCSHS sa patuloy na paghubog ng makabuluhang edukasyon at mas magandang bukas para sa kabataan ng Pasay.
𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝐒𝐢𝐧𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧
𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝐒𝐢𝐧𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧 ANG BAGWIS – OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL – Maligayang inanunsyo ni Dr. Felina P. Patagan, Principal IV ang pagsisimula ng Brigada Eskwela 2025 sa Pasay City South High School (PCSHS), Hunyo 10, 2025 nang umaga.Binigyang-karangalan nina Gng. Ann Carmeli Lovendino mula sa English Department at Bb. Krisly Valerta mula sa MAPEH Department ang lahat ng mga tumulong, kabilang ang mga guro, mga mag-aaral, at ang ilang kasapi ng komunidad.Pinasalamatan din ni Dr. Patagan ang mga tumulong sa kasalukuyang Brigada Eskwela na kasapi ng kominidad kasama na rin ang School Parent-Teacher Association (SPTA).“Nais kong magbigay pasalamat sa mga tumulong na SPTA Officers, Barangay Officials, Sulong Villamor, at TUPAD.” Ika ni Dr. Patagan.Ipinahayag ni Dr. Patagan na nakatutok ang mga tauhan ng paaralan sa pagpapalaganap ng mas magandang paligid para sa mga mag-aaral ng PCSHS.“Nakatanggap kami ng 22 aircon units mula kay Mayora (Mayor Emi Calixto-Rubiano) at sa LGU (Local Government Units).” dagdag ni Dr. Patagan.Ipinakita rin ni Bb. Grace L. Cabayao ang mga mahahalagang nagawa nitong mga nakaraang taon simula 2020. Kabilang na rito ang bagong washing stations, DigiHub, at bagong pinturang mga upuan.Inilahad ni Dr. Cynthia D. Abella, Assistant Principal ng Senior High School ang “Sustainability” bilang pinakamalaking hamon ngayong Brigada Eskwela.Nagbigay pasasalamat din sina Kap. Alvin Zuñiga, habang sinundan naman ng Pledge of Commitment sa pamumuno ni SPTA Pres. Pamela A. ManuelBilang pagtatapos ng programa, nagbigay ng mensahe ang Assistant Principal ng Junior High School ng PCSHS, Dr. Victor Tubilan para sa pangwakas na pananalita.Inaasahan na magkakaisa ang mga guro, mag-aaral, magulang, at maging ang komunidad upang mas mapaganda pa at maging handa ang paaralan sa nalalapit na balik-eskwela.
SECTION FINDER JHS 2024
JUNIOR HIGH SCHOOL GRADE 7 to 10
SECTION FINDER SHS 2024
SENIOR HIGH SCHOOL GRADE 11 & 12
PCSHS ON BRAINIAC: CLASH OF THE SCI – TECH CHAMPS
PCSHS ON BRAINIAC: CLASH OF THE SCI – TECH CHAMPS By: May Ann D. Romano – STEM Teacher Pasay City South High School earned a spot on the biggest Sci – Tech Clash of the year, the first ever BRAINIAC: Clash of the Sci – tech champs participated by 250 students from 60 public and private schools held at Bahay ng Alumni, University of the Philippines Diliman, Quezon City last June 17, 2023. The said team competition was organized by the Our Lady of Lourdes Hospital in coordination with the DEPED NCR covering Science and Mathematics for Junior High School and Science, Mathematics and Research for Senior High School. The Senior High School Team composed of Grade 12 students namely Jean Christlyn Micah P. Asuncion, Numan C. Alam and Arvin Carlo M. Senador coached by Ms. May Ann D. Romano and the STEM teachers were able to emerge as one of the TOP 20 FINALISTS out of the 37 public and private schools. Alam and Senador were also awarded with bronze medals (180 to 224 points) as one of the BEST INDIVIDUAL SCORERS. The Junior High School Team composed of multi – levels namely Gabriel Robert A. Junio, Kayden Vera Cruz and Bryn Jared Llaneta coached by Mr. Jessie L. De Los Santos, Jr. were also awarded with Merit Certificates for the Brainiac Challenge. All under the supervision of Mrs. Editha F. Alimbuyuguen, Master Teacher II – Subject Group Head for STEM and Mrs. Ma. Elma V. Amongol, Head Teacher VI, Department Head for Science. This was also made possible with the 100% support for the team’s needed resources by the school administration headed by Mrs. Emilia L. Tolentino, Principal VI and Dr. Mark Anthony F. Familaran, Assistant Principal II. The Brainiac Challenge aims to enrich the Science, Mathematics and Research competencies of the learners in high school in both private and public schools within the National Capital Region. This also encourages learners to strive and promote inter-division interaction to expose the learners to best practices and develop values of perseverance, honesty, teamwork, and sportsmanship. Also, this rewards the top learners to boost their desire to excel and geared towards improving the quality of education in Science and Technology.



