Gulayan sa Pamayanan Project PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL : Nag-iisang kasali sa Gulayan sa Pamayanan Project sa Sekondari Nina Wilma V. Amores At Isagani Nool Disyembre 1, 2021 sinimulang isulong ng Pasay City South High School ang Gulayan sa Pamayanan Project katuwang ang ahensya ng DSWD matapos piliin ng Dibisyon ang PCSHS bilang lugar nang kaunana-unahan GPP ng Pasay sa Sekondari. Agad na nagsagawa ng panimulang programa ang paaralan. Dinaluhan eto nina Gng. Emilia L. Tolentino-Punongguro, G. Mark Anthony F. Famillaran- Katuwang na punongguro kasama ang kanilang mga Puno ng Kagawaran at Senior Group Heads. Naroon din sa nabanggit na programa ang mga kinatawan ng DSWD at ang kanilang mga coordinator ng 4 P’ s pati narin ang mga magulang ng 4 P’s na kabilang sa 100 na mahigit na may kanya kanyang grupong kinabibilangan. Sa nabanggit ding na okasyon ay nagpaunlak ng isang panayam sina Bb. Judy Ann Basca at Bb. Rances Sta Juana , mga kinatawan ng DSWD . Ayon sa kanila layon ng GP Project ang makatulong sa pagsugpo kagutuman at ng Malnutrisyon .sa bayan. At target na tatanggap ng benipisyo ay ang mga 4 P’s ng Pasay. Sa panig naman ng paaralan ay maitaas ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng pagtatanim ng gulay at ang ibinibigay nitong nutrisyon sa ating katawan. Bukod sa panayam ay binigyan din ng pagkakataon na magtanong ang ilan sa mga dumalo at agad naman etong natugunan, katulad ng pagkakaroon ng ID ng lahat na kasangkot sa proyekto , pagkakaroon ng mga gamit pantanin at schedule ng pagpunta at pamamalagi ng mga magulang sa paaralan. Matapos ang programa ay agad sinamahan nina G. Isagani Nool, G.Dominador Torio , Gng Editha Alimbuyugin , mga nakatalagang GPP Chair ng paaralan at Bb. Eleanor Alejandro tagapag-ugnay ng 4P’s. , ang mga taga DSWD at magulang ng 4 P’s sa itinalang lote para sa Gulayan. At sa panghuli ay kinunan ng larawan ang lahat ng dumalo bilang patunay na nagkakaisa ang PCSHS at DSWD pagsulong ng Gulayan sa Pamayanan Project sa Pasay . Magkatuwang na isinulong ng mga taga – Pasay City South High School sa pangunguna ng ating Principal, Gng. Emilia L. Tolentino at ng DSWD na kasama ang mga magulang ng mga mag-aaral na Iskolar ng 4 P’s ang GPP o Gulayan sa Paaralan Project sa Sekondari. Ilan sa mga loteng itinalaga ng Pasay City South High School upang maging Harding Taniman sa GPP.
Outstanding Campus Integrity Crusaders
Outstanding Campus Integrity Crusaders Previous Next By; STEVE R. LORICO The Southenian Integrity Crusaders (SIC) is the Campus Integrity Crusaders (CIC) organization of Pasay City South High School under the office of the Ombudsman. The SIC club joins the Campus Integrity Crusaders in promoting Honesty and Social Responsibility through its implemented activities. With the project title: SIC AIMS: Aktibong Isinusulong ang Maunlad na Sambayanan, the SIC bagged its second award as one of the the Outstanding Campus Integrity Crusaders in the National Capital Region held last October 27, 2021 through virtual ceremony. The SIC had implemented five (5) activities promoting honesty and seven (7) activities promoting social responsibility for a total of twelve (12) activities. Some of the highlights of SIC projects includes: SIC Witness: Dokumentaryo, a documentary filmed by the SIC officers and members that talks about the significance of honesty, Oplan: Bayani ng Katapatan: recognizing and giving awards to students who manifested honesty by surrendering lost items to SIC club to be able to return it to the owner: Lingap Mindanao, a donation drive participated by the teachers and staff of PCSHS where the beneficiaries are our fellow Filipinos who were victims of the earthquake in Mindanao and the Self-Defense Training-Seminar where military personnel from the AFP trained our students on basic skills about self-defense. The Southenian Integrity Crusaders (SIC) promises to continue its advocacy and commitment in promoting honesty and social responsibility in our school and in the community.
DEHESA PARA SA PANGULO
DEHESA PARA SA PANGULO Previous Next DEHESA PARA SA PANGULO Mrs. Ginalyn M. Allen SSG Adviser-PCSHS Muli nanamang napatunayan ng Southenian Community ang kanilang galing at talino sa pamumuno ng mahalal bilang Pangulo ng Supreme Student Government Federation of Pasay si ISIAH JENDRIC B. DEHESA. Siya ang kasalukuyang Pangulo ng Supreme Student Government ng Pasay City South High School at isang Grade 12 Student mula sa STEM Strand. Ito na ang ikalawang taon na nakuha ng paaralan ang pinaka-mataas na posisyon sa pederasyon matapos ang panalo ni Yngrid Kurei Factuar noong nakaraang taon. Naganap ang eleksyon nooong ika 26 ng Oktubre, 2021 mula 9:00 ng umaga at tumagal hanggang 5:00 ng hapon. Naungusan ni Isiah ang siyam pang mga President ng SSG mula sa ibat-ibang mga paaralang pang sekondarya ng lungsod ng Pasay. Kasama niya sa birtwal na eleksyon ang kanilang SSG Adviser, Gng Ginalyn M. Allen at AP Dept. Head Bb. Grace L. Cabayao. Ang mga nahalal na lider mag-aaral ng SSG Pasay Federation ay nanumpa ng kanilang panunungkulan sa harap ni Gng. Loreta Torrecampo CESO VI noong ika 4 ng Nobyembre 2021.
Citizens Charter
CITIZEN’S CHARTER
WORK AND FINANCIAL PLAN
WORK AND FINANCIAL PLAN
foi2021
Process Flow Chart
SCHOOL PARTNERSHIPS DATA
SCHOOL PARTNERSHIPS DATA SCHOOL PARTNERSHIPS DATA 2021 1st Quarter 2nd Quarter 3rd Quarter 4th Quarter SCHOOL PARTNERSHIPS DATA 2020 1st Quarter 2nd Quarter 3rd Quarter 4th Quarter
ANNUAL PROCUREMENT PLAN
ANNUAL PROCUREMENT PLAN Junior High School 2021-2022 Senior High School 2021-2022
CASH DISBURSEMENT REGISTER 2021
CASH DISBURSEMENT REGISTER 2021
REPORTS ON DISBURSEMENT (FAR-4) 2021
REPORTS ON DISBURSEMENT (FAR-4) 2021



