Matagumpay na isinagawa ang pagbubukas ng Buwan ng Kasaysayan na may temang “Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan

by: ANG BAGWIS

August 12, 2025

Matagumpay na isinagawa ang pagbubukas ng Buwan ng Kasaysayan na may temang “Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan” nitong Agosto 11, 2025 sa ganap na ika-8:30 ng umaga.

Nagsimula ang selebrasyon sa school grounds na kung saan pinangunahan ito ng masiglang parada mula sa Drum and Lyre Ensembles, kasunod ang mga estudyanteng nag-cosplay bilang mga bayani ng ating kasaysayan.
Matapos ang parada, nagtungo ang lahat sa AVR para sa pormal na pagbubukas ng programa. Nagbigay ng panimulang mensahe si Dr. Felina P. Patagan, Principal IV at tampok sa programa ang makabuluhang pagtatanghal ng mga piling estudyante na nagbigay-buhay sa kani-kanilang napiling bayani sa pamamagitan ng maikling paglalarawan at pagbigkas ng mga tanyag na pahayag ng mga ito.
Isang makabuluhang paggunita na nagsisilbing paalala sa ating kabataan: ang kasaysayan ay buhay at patuloy na humuhubog sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.