PCSHS Senior Scouts Take Pride in Attending the Opening of the 33rd Asia-Pacific Regional Scout Jamboree

PCSHS Senior Scouts Take Pride in Attending the Opening of the 33rd Asia-Pacific Regional Scout Jamboree by: PasaySouth SeniorScouts  December 22 , 2025 Botolan, Zambales — The Senior Scouts of Pasay City South High School (PCSHS) proudly represented their school and council as they participated in the grand parade and opening ceremony of the 33rd Asia-Pacific Regional Scout Jamboree held at Camp Kainomayan, Botolan, Zambales.The momentous event gathered thousands of Scouts, Scout leaders, and officials from across the Asia-Pacific region, marking a celebration of unity, cultural exchange, leadership, and service.Wearing their uniforms with pride, the PCSHS Senior Scouts joined the vibrant parade, showcasing the spirit of Filipino Scouting alongside contingents from various countries.The opening ceremony highlighted the core values of the Scouting Movement—peace, friendship, discipline, and service to others. Through cultural presentations, ceremonial rites, and messages from Scouting leaders, the jamboree officially set the tone for days of learning, collaboration, and international fellowship.For the PCSHS Senior Scouts, participation in this prestigious regional event was a significant milestone. It not only strengthened their commitment to the ideals of Scouting but also gave them the opportunity to interact with fellow Scouts from diverse cultures, fostering global understanding and camaraderie.As the 33rd APR Scout Jamboree commenced, the PCSHS Senior Scouts stood tall with pride, embodying the values of “Strength in Service, Skills for Life,” and bringing honor to their school, Pasay City, and the Boy Scouts of the Philippines on the international stage.

Husay ng Mag-aaral, Tampok sa Matagumpay na Pagtatapos ng Reading Month

Husay ng Mag-aaral, Tampok sa Matagumpay na Pagtatapos ng Reading Month by: ANG BAGWIS December 5, 2025 Matagumpay na idinaos ang Closing Program ng National Reading Month 2025 kahapon, na may temang “Bridges of Understanding: Reading for Empathy, Critical Thinking, and Lifelong Learning.” Pormal na sinimulan ang programa sa pag-awit ng Pambansang Awit, panalangin, at Himno ng Pasay na pinangunahan ng Katimugan Music Club.Sa pambungad na pananalita ni Gng. Dyesibel Garcia, nagpasalamat siya sa mga mag-aaral na lumahok sa mga paligsahan sa Literary at Contemporary Cosplay. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng karunungan sa pagbabasa at pag-unawa.Nagtanghal ng isang nakaaaliw at kapana-panabik na musical ang STEM 11–Argon, na nagdulot ng masigabong palakpakan mula sa madla.Sinundan ito ng pangunang mensahe ni Dr. Cynthia D. Abella, Kawaksing Punongguro ng SHS, na nag-iwan ng katagang “Knowledge is our greatest treasure, and imagination is our guide.”Kasunod nito, isa-isang ipinakilala ang mga hurado ng Literary and Contemporary Cosplay Contest: Ma’am Amy P. Fernandez, Ma’am Alma C. Aniceto, at Ma’am Ma. Luisa A. Boyboy.Umani ng hiyawan at palakpakan ang pagrampa at pagpapakitang-gilas ng mga kalahok sa nasabing patimpalak. Nauna munang ipinakilala ang mga literary cosplayers, sinundan ng mga contemporary cosplayers, na kapwa tinanggap nang mainit ng mga manonood.Nagtanghal naman ang STEM 11–Barium ng isang Reader’s Theater na lalong ikinatuwa ng madla.Nagtapos ang programa sa panghuling mensahe ni G. Victor L. Tubilan, Kawaksing Punongguro ng JHS, at sa pagbibigay-parangal sa mga nagwaging kalahok sa iba’t ibang kategorya ng programa.

Pagtatapos ng Reading Month, Ipinagdiwang sa PCSHS

Pagtatapos ng Reading Month, Ipinagdiwang sa PCSHS by: ANG BAGWIS December 5, 2025 Pormal nang nagtapos ang pagdiriwang ng Reading Month sa Pasay City South High School (PCSHS), noong Disyembre 3, 2025. Dumalo sa programa ang mga mag-aaral at guro na ginanap sa Audio-Visual Room (AVR).Binuksan ang programa sa pagtatanghal ng chorale sa pangunguna ni Gng. Dyesibel Garcia, sa pagkanta ng pambansang awit. Sinundan ito ng mensahe ng pagbubukas mula sa Punongguro, Dr. Felina P. Patagan, at sa Kawaksing Punongguro ng Junior High School, Dr. Cynthia D. Abella.Naghatid naman ng pagtatanghal ang 11-Bromine sa kanilang pag-awit ng “Who Will I Be.” Mula rito ay ipinakilala ang mga kalahok sa Literary Cosplay. Sinundan ito ng masiglang sayaw mula sa mga opisyal ng English Club kasama ang ilang guro sa English.Ipinahayag din ang mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya tulad ng Reading Proficiency, Essay Writing, Spelling Bee, Slogan Making, Poster Making, at Oratorical. Matapos nito ay tinukoy rin ang mga nanalo sa Literary Cosplay.Bilang pangwakas, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Gng. Amelyn L. Villanueva, Puno ng Kagawaran ng English, bago tuluyang nagtapos ang programa sa pagtatanghal ng dulang musikal ng Grade 8 – Archimedes, na adaptasyon ng pelikulang “Tangled.”

PCSHS SSLG, 4th Place sa Division IEC Anti-Bullying Video Contest

PCSHS SSLG, 4th Place sa Division IEC Anti-Bullying Video Contest by: ANG BAGWIS December 3, 2025 Isang Panawagan: “Say No to Bullying!” Isang makabuluhang tagumpay ang nakamit ng Pasay City South High School Supreme Secondary Learner Government (PCSHS SSLG) matapos masungkit ang 4th Place sa Division Videos, Education, and Information (IEC) on Anti-Bullying Contest. Ang kanilang entry ay nagpakita ng matapang na paninindigan laban sa pambu-bully at naghatid ng mensaheng naglalayong palakasin ang respeto, kabutihan, at malasakit sa kapwa. Sa pamamagitan ng malikhaing pagbuo ng konsepto, makatotohanang pag-arte, at makabagbag-damdaming mensahe, itinampok ng SSLG ang tunay na epekto ng bullying sa kabataan at kung paano maaaring maging bahagi ng solusyon ang bawat mag-aaral. Ang kanilang video ay hindi lamang naglayong magpabatid, kundi magmulat at mag-udyok ng positibong pagbabago sa kultura ng paaralan. Pinuri ang matatag na dedikasyon ng SSLG sa pagsusulong ng adbokasiya laban sa pambu-bully. Ayon sa kanilang pahayag, ang laban na ito ay hindi lamang proyekto—ito ay isang paninindigan upang protektahan ang bawat kapwa mag-aaral at tiyaking ligtas at suportado ang bawat isa sa loob ng paaralan. Nagpahatid din ng taos-pusong pasasalamat ang grupo sa pamunuan ng PCSHS: Dr. Felina P. Patagan (Principal IV) Dr. Cynthia D. Abella (Assistant Principal II – JHS) Mr. Victor L. Tublian (Assistant Principal II – SHS) Ms. Grace L. Cabayao (AP Department Head) Gayundin, binigyang-pugay nila ang kanilang masisipag at masigasig na SSLG Advisers, Mrs. Ma. Fatima A. Roja at Mrs. Marivic P. Doria, na nagsilbing gabay, inspirasyon, at haligi ng suporta sa buong proseso. Ang kanilang hindi matitinag na pagtuturo at paghubog sa mga mag-aaral ang nagbigay-daan sa matagumpay na paglahok ng PCSHS sa nasabing kompetisyon. Sa pagtatapos, nanawagan ang PCSHS SSLG sa buong komunidad ng paaralan na patuloy na isabuhay ang mensaheng “Say No to Bullying!” at maging tagapagtanggol ng kabutihan at pagkakapantay-pantay. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang tropeo—ito ay simbolo ng lakas ng boses at pagkakaisa ng kabataang Pasayeño.

PCSHS, pinaigting ang kahandaan ng mga mag-aaral sa bisa ng Project B.R.I.D.G.E

PCSHS, pinaigting ang kahandaan ng mga mag-aaral sa bisa ng Project B.R.I.D.G.E by: ANG BAGWIS December 3, 2025 Matagumpay na naisagawa ngayong Miyerkules ng umaga, Disyembre 3, 2025, ang Project B.R.I.D.G.E (Building Real-World Industry Direction through Guided Experience) para sa mga mag-aaral ng ika-12 baitang ng Pasay City South High School.Pinangunahan ni Bb. Carla G. Gernale ang programa, na naglalayong magbigay ng gabay at impormasyon hinggil sa mga mahahalagang hakbang sa pagpili at pagkuha ng propesyon.Nagbigay naman ng pambungad na pananalita si Dr. Felina P. Patagan, Punongguro IV, ipinahayag niya ang kanyang taos-pusong paghanga at pagmamalaki sa mga mag-aaral ng PCSHS.“Mga dear student, huwag ninyong sayangin ang ganitong mga oportunidad sapagkat ito’y para sa inyo. Kayo ang aming ipinagmamalaki,” wika ni Dr. Patagan.Bilang paglahad ng layunin sa pagkatuto, inilahad ng Master Teacher II SGH-STEM, Gng. Editha F. Alimbuyuguen ang inaasahan na matutunan ng mga mag-aaral sa pagwawakas ng programa.Upang ipakilala ang mga tagapagsalita sa panayam, unang inanyayahan ni Gng. Dyesibel C. Garcia, HUMSS-English Coordinator, si Gng. Sharon Joie S. Notario, Teacher II ng HUMSS-English, na nagbahagi sa mga mag-aaral ng mahahalagang kaalaman hinggil sa wastong kasuotan sa pagtatrabaho.Sunod namang pinakilala ni Gng. Tar G. Gunayon, Master Teacher II SGH-TVL, si G. Arnel B. Almedora, Teacher II ng TVL na nagtalakay ng mga gabay sa wastong pag-uugali sa lugar ng trabaho at tamang asal sa pagsasagawa at pagsagot sa job interview.Para sa huling tagapagsalita, ipinikilala ni Gng. Catherine C. Gonzales, Master Teacher II SGH-HUMSS Social Science, ang tagapagsalita mula HUMSS-English, Gng. Theresa D. Hosawi Teacher II, na naghandog ng kaalaman sa pagsulat ng isang resume para sa trabaho.Kasunod nito, agad na sinimulan ni Gng. Bona B. Bernales ang open forum upang tugunan ang mga katanungan ng mga mag-aaral bilang paghahanda sa kanilang work immersion na gaganapin ngayong ikatlo at ikaapat na markahan.Sa bahagi ng open forum, tinanong ng isang mag-aaral mula STEM-Amity ang tungkol sa mga bagay na hindi dapat itanong sa isang job interview.“Sa isang interbyu, huwag na huwag mong tanungin ang tungkol sa sahod dahil ito ay offensive para sa interviewer. Hayaan mo silang magbanggit nito,” tugon ni Dr. Victor L. Tubilan.Matapos nito, inilahad ni Gng. Mary Ann E. Garcia, Grade 12 Coordinator, ang mga mahahalagang petsa at layunin kaugnay ng work immersion. Ipinagkaloob din ang mga sertipiko sa mga tagapagsalita bilang pagkilala sa kanilang husay at ambag sa Project B.R.I.D.G.E.Upang pormal na wakasan ang gawain, pinangunahan ni Dr. Victor L. Tubilan ang pagtatapos ng programa, subalit ito’y maagang natapos dahil sa biglaang paglakas ng ulan.Sa pagtatapos ng symposium ngayong umaga, inaasahan ang lahat ng mag-aaral ng ika-12 baitang na maisakatuparan ang mga kinakailangan para sa nalalapit na immersion.

HIV Seminar, idinaos sa PCSHS

HIV Seminar, idinaos sa PCSHS by: ANG BAGWIS December 2, 2025 Bilang bahagi ng pagtutulak sa mas ligtas at may kamalayang kabataan, isinagawa ang HIV Awareness Seminar sa Pasay City South High School kahapon, sa gymnasium. Kaugnay nito ang paggunita sa World AIDS Day. Nagsimula ang programa sa pangunguna ni G. Steve Lorico, Adviser ng Southeanian Integrity Crusade (SIC).Naghandog din ng kanilang mensahe ng suporta sina G. Victor L. Tubilan, Kawaksing Punongguro ng Senior High School, at Dr. Cynthia D. Abella, Kawaksing Punongguro ng Junior High School. Mainit namang tinanggap ng paaralan ang panauhing alumnus na si G. Gian Carlo Lapada. Binigyang-diin ng seminar ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral ng Baitang 12 tungkol sa HIV. Ibinahagi ni Lapada ang isang malalimang presentasyon hinggil sa konsepto ng HIV—kung paano ito nalalaman, naiiwasan, at ang kasalukuyang estadistika ng mga kaso sa bansa. Sinundan ito ng isang open forum kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magtanong, magbahagi ng kanilang pananaw, at higit pang palalimin ang kanilang pag-unawa sa paksa.Bilang pangwakas, nagbigay ng paalala si Gng. Grace L. Cabayao, Puno ng Kagawaran ng Araling Panlipunan. Aniya, “Sa edad ninyo, marami pa kayong matututunan. Dahil sa HIV, walang swerte diyan,” na nagsisilbing daan sa kahalagahan ng tamang impormasyon at pag-iingat. Pagkatapos nito, iginawad ang sertipiko ng pagkilala kay G. Gian Carlo Lapada bilang pasasalamat sa kaniyang mahalagang pagbabahagi tungkol sa HIV at AIDS.

PCSHS Ipinagdiwang ang Filipino Values Month 2025​

PCSHS Ipinagdiwang ang Filipino Values Month 2025 by: ANG BAGWIS November 28, 2025 FILIPINO VALUES MONTH 2025 – MATATAG na Puso at Diwa: Inklusibong Pagpapakatao, Determinadong Bayanihan, Positibong Kinabukasan  Ipinagdiwang ng Pasay City South High School (PCSHS) ang Filipino Values Month 2025 sa temang “Matatag na Puso at Diwa: Inklusibong Pagpapakatao, Determinadong Bayanihan, Positibong Kinabukasan.” Muling binigyang-diin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapahalagang Pilipino sa paghubog ng kabataang may malasakit, disiplina, at malasang pakikipagkapwa. Sa pagbubukas ng programa, ipinaliwanag ng mga guro at school officials ang kahalagahan ng pagiging matatag sa puso at diwa sa harap ng mga hamon ng makabagong panahon. Ayon sa kanila, ang tunay na Filipino Values ay hindi lamang tradisyong sinusundan, kundi gabay sa paglikha ng isang makatao, makakalikasan, makabansa, at makadiyos na komunidad sa loob at labas ng paaralan. Tampok sa pagdiriwang ang iba’t ibang gawain tulad ng values-based workshops, interactive activities, storytelling, poster-making, at performances na nagbigay-daan upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pang-unawa sa inklusibong pagpapakatao, bayanihan, at pagiging positibong indibidwal sa kanilang pamayanan. Bawat aktibidad ay idinisenyong palalimin ang pag-unawa sa kultura at pagpapahalagang Pilipino sa isang makabago at makabuluhang paraan. Bukod dito, binigyang-pugay din ng programa ang mga mag-aaral na nagpamalas ng mahusay na pamumuno, pagiging mabuting halimbawa, at aktibong partisipasyon sa mga gawaing pangpaaralan. Ang kanilang ambag ay nakatulong upang mapanatili ang isang ligtas at may malasakit na kapaligiran sa PCSHS. Sa kabuuan, naging makulay at makahulugan ang selebrasyon ng Filipino Values Month 2025 sa Pasay City South High School. Pinatunayan ng okasyong ito na ang tunay na lakas ng kulturang Pilipino ay matatagpuan sa kabataang may inklusibong pagtingin sa kapwa, may diwang nagbubuklod sa bayanihan, at may pag-asang bumubuo ng positibong kinabukasan.

PCSHS AARIBA PATUNGONG REGIONAL MEET 2026

PCSHS AARIBA PATUNGONG REGIONAL MEET 2026 by: ANG BAGWIS November 26, 2025 Matagumpay na nangibabaw ang katimugan matapos nilang makamit ang sunod-sunod na panalo sa semi-finals ng Division Meet 2025 na naganap kahapon, ika-25 ng Nobyembre 2025 sa PCSHS Gymnasium.Sa Uno ng labanan na pinangunahan ni Prime Lanete ng Pasay City South High School kontra Pasay City East High School. Bagama’t bigo siya sa unang set (2-1), nakabawi naman ito sa mga sumunod na rounds (4-2, 3-1) dahilan ng kaniyang pagkapanalo.Para naman sa Dos, hindi nagpatinag si Mark Joven Sioco ng PCSHS na nanalo sa dalawang round (3-0, 3-2) kontra Pasay City North High School.Hindi rin nagpahuli si Euan James Dela Cruz ng PCSHS sa Tres na dinurog ang Pasay City East High School sa iskor na 5-0 at nagtapos na tabla (1-1).Nagwagi rin para sa Kuatro si Dave Angel Tangonan ng PCSHS, pagkatapos ng tabla na iskor (1-1), bumwelo naman ito na naging resulta ng kaniyang wagi sa dalawang rounds (6-1, 5-4).Para naman sa Sinco, nabigo man sa unang round si Elijah D. Omblero ng PCSHS (6-5), ngunit nakabawi naman sya sa mga sumunod na rounds ng labanan, (6-1, 5-4).Hindi rin nagpatinag ang mga atletang kababaihan ng katimugan.Sinimulan ni Rihanna Angel E. Lacson ang ang round ng Uno para sa mga kababaihan matapos niyang dominahin ang Kalayaan National High School sa iskor na 7-1.Sa Dos naman ay winalis ni Rogelene Angelie A. Dantis ng PCSHS ang Pasay City North High School sa iskor na 6-1 at nagtapos sa 7-2. Nagwagi rin sa Tres si Rablyn R. Bautista ng PCSHS, sa dalawang rounds laban sa Pasay City West High School (5-1, 6-2). Nagpatuloy ng puwersa ng koponan matapos magwagi si Anne Stefhanie Mae M. Tigaronita ng PCSHS sa Kuwatro kontra Kalayaan National High School (2-0, 2-1).Pinatunayan ni Rhian Kyla G. Bobis ng PCSHS ang kaniyang lakas na kamandag nang talunin niya ang Kalayaan National High School (6-2, 5-3).

PCSHS Arnis Team, Nagpakitang Gilas sa Division Meet 2025

PCSHS Arnis Team, Nagpakitang Gilas sa Division Meet 2025 by: ANG BAGWIS November 26, 2025 Matagumpay na nangibabaw ang katimugan matapos nilang makamit ang sunod-sunod na panalo sa semi-finals ng Division Meet 2025 na naganap kahapon, ika-25 ng Nobyembre 2025 sa PCSHS Gymnasium.Sa Uno ng labanan na pinangunahan ni Prime Lanete ng Pasay City South High School kontra Pasay City East High School. Bagama’t bigo siya sa unang set (2-1), nakabawi naman ito sa mga sumunod na rounds (4-2, 3-1) dahilan ng kaniyang pagkapanalo.Para naman sa Dos, hindi nagpatinag si Mark Joven Sioco ng PCSHS na nanalo sa dalawang round (3-0, 3-2) kontra Pasay City North High School.Hindi rin nagpahuli si Euan James Dela Cruz ng PCSHS sa Tres na dinurog ang Pasay City East High School sa iskor na 5-0 at nagtapos na tabla (1-1).Nagwagi rin para sa Kuatro si Dave Angel Tangonan ng PCSHS, pagkatapos ng tabla na iskor (1-1), bumwelo naman ito na naging resulta ng kaniyang wagi sa dalawang rounds (6-1, 5-4).Para naman sa Sinco, nabigo man sa unang round si Elijah D. Omblero ng PCSHS (6-5), ngunit nakabawi naman sya sa mga sumunod na rounds ng labanan, (6-1, 5-4).Hindi rin nagpatinag ang mga atletang kababaihan ng katimugan.Sinimulan ni Rihanna Angel E. Lacson ang ang round ng Uno para sa mga kababaihan matapos niyang dominahin ang Kalayaan National High School sa iskor na 7-1.Sa Dos naman ay winalis ni Rogelene Angelie A. Dantis ng PCSHS ang Pasay City North High School sa iskor na 6-1 at nagtapos sa 7-2. Nagwagi rin sa Tres si Rablyn R. Bautista ng PCSHS, sa dalawang rounds laban sa Pasay City West High School (5-1, 6-2). Nagpatuloy ng puwersa ng koponan matapos magwagi si Anne Stefhanie Mae M. Tigaronita ng PCSHS sa Kuwatro kontra Kalayaan National High School (2-0, 2-1).Pinatunayan ni Rhian Kyla G. Bobis ng PCSHS ang kaniyang lakas na kamandag nang talunin niya ang Kalayaan National High School (6-2, 5-3).

Anti-Bullying Caravan, matagumpay na idinaos sa Pasay City South High School

Anti-Bullying Caravan, matagumpay na idinaos sa Pasay City South High School by: ANG BAGWIS November 25, 2025 Isang caravan kontra bullying ang isinagawa sa Pasay City South High School na pinamagatang “Safe Spaces, Strong Voices: The Anti-Bullying Prevention Caravan for the Development of Kindness and Empathy”.‎‎Sinimulan ang programa sa isang panalangin, na sinundan ng pag-awit ng Makabayang Awitin, Panatang Makabata, at pagbigkas ng DepEd Quality Policy. Pagkatapos nito, isa-isang ipinakilala ang mga kalahok mula sa iba’t ibang paaralan upang pormal na buksan ang kanilang pakikilahok sa gawain.‎‎Sa pambungad na pananalita ni Dr. Felina P. Patagan Principal IV, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipaglaban sa bullying at pakikipagtulungan sa paaralan tungkol sa isyung ito.‎‎Nagbigay rin ng maikling mensahe si Kagawad Gerald John Sobrevega, Head Committee on Women and Family and Social Services, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pangangalaga sa mental health ng bawat isa at kung paano ito nakatutulong upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari.‎‎Kasunod nito, ipinaliwanag ni Ma’am Sheryl B. Veruasa ang mga polisiya at layunin ng programa, partikular ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtindig laban sa bullying.‎‎Bilang pampasigla sa programa, nagbigay ng intermisyon si Alexis Dela Cruz mula sa Baitang VI-Leane, Don Carlos Village Elementary School, sa pamamagitan ng kanyang pagtatanghal sa pagkanta.‎‎Binigyang-pansin naman ni Dr. Bernardita A. Perez, EPS-SGOD/LRP Focal Person, ang nakababahalang pagtaas ng kaso ng bullying, ngunit ikinatuwa niya na marami nang kabataan ang nagsusumbong tungkol sa kanilang mga karanasan.‎‎Ibinahagi rin niya ang iba’t ibang anyo ng bullying na maaaring maranasan ng mga kabataan sa loob at labas ng paaralan, pati na rin ang mga posibleng epekto nito sa mga biktima. Nagbigay rin siya ng mga paraan kung paano ito maiiwasan at malalabanan.‎‎Nagkaroon din ng intermisyon ang Pasay City Federation Officers na masiglang sinabayan ng mga estudyante at kanilang mga guro.‎‎Bilang pagtatapos ng aktibidad, nagbigay ng mensahe si Sir Quinn Norman O. Arreza, JD, Assistant School Division Superintendent, kung saan nagpasalamat siya at nagpahayag ng paalala sa kahalagahan ng pagkakaisa ng pamahalaan, paaralan, at komunidad upang epektibong labanan ang banta ng bullying sa loob at labas ng paaralan.