Pagsasagawa ng IDADAIT, pinangunahan ng Brgy. 183 sa PCSHS by: ANG BAGWIS October 3, 2025 Bilang pakikiisa sa paggunita ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT), nagsagawa ng seminar ang mga kawani ng Barangay 183 kasama ang iba’t ibang opisyales ng bawat organisasyon sa Pasay City South High School, kanina Oktubre 3, 2025. Ito ay may layong palakasin ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot. Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng panalangin, pag-awit ng Lupang Hinirang, at Pasay Hymn. Sa pambungad na pananalita ni Hon. Alvin A. Zuñiga, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-iwas sa droga na aniya’y “nakasisira ng buhay at kinabukasan.” Nagbigay rin ng mensahe ang lead coordinator ng City Anti-Drug Council na si Sir Rowell Capindang. Ibinahagi niya ang datos mula sa Pasay City Jail na 80% ng mga gumagawa ng krimen sa lungsod ay may kaugnayan sa paggamit ng droga. Paliwanag niya, ang droga ay isang chronic disease na nagdudulot ng pangmatagalang epekto at withdrawal symptoms. Dagdag pa niya, “Sumpa ang droga sa buhay nila,” batay sa kanyang mga nakapanayam na dating gumagamit. Kasunod nito, nagbigay naman ng panawagan si Kag. Alden Yogi Cariño na mahalaga ang pagkakaroon ng isang barangay na drug-free, sapagkat dito nagiging mas produktibo ang komunidad. Giit pa niya, “Nasa kabataan ang pag-asa at pagbabago.” Bilang pagkilala sa partisipasyon ng mga dumalo, namahagi ng sertipiko ang mga kawani ng barangay. Kinilala rin ang nagkamit ng pinakamahusay na publikasyon ukol sa kampanya kontra droga—ang Ang Bagwis at Peer Facilitator SHS Club. Bilang pagtatapos ng aktibidad, nagbigay ng mensahe si Francis Mamayson, Chief Admin at Focal Person ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), na nagpaalala sa kahalagahan ng pagkakaisa ng pamahalaan, paaralan, at komunidad upang labanan ang banta ng ilegal na droga.
Philippine Red Cross, Nagsagawa ng CPR Caravan Bilang Paggunita sa CPR Day
Philippine Red Cross, Nagsagawa ng CPR Caravan Bilang Paggunita sa CPR Day by: ANG BAGWIS October 1, 2025 Nagsagawa ng CPR Caravan ang Philippine Red Cross sa Pasay City South High School (PCSHS) ngayong Oktubre 1, 2025 bilang bahagi ng kanilang programa sa iba’t ibang lungsod upang gunitain ang CPR Day.Pinangunahan ni Dr. Cynthia D. Abella, Assistant Principal II ng Junior High School sa pagbibigay ng pambungad na pananalita. Samantala, nagsilbing gabay at nagpahayag ng pangwakas na mensahe si Fernando Atienza, kinatawan mula sa Pasay Chapter. Lumahok sa programa ang iba’t ibang organisasyon sa paaralan, kabilang ang mga mag-aaral mula sa Science, Technology, and Engineering (STE) Program ng baitang 7 hanggang 9.Matagumpay na naituro at naipakita sa mga mag-aaral ang tamang pamamaraan ng pagsasagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR)—isang mahalagang kasanayan na maaaring magligtas ng buhay sa oras ng pangangailangan.
Mass Induction 2025, Matagumpay na Idinaos sa Pasay City South High School
Mass Induction 2025, Matagumpay na Idinaos sa Pasay City South High School by: ANG BAGWIS September 16 , 2025 Matagumpay na idinaos ngayong Martes, Setyembre 16, 2025, ang Mass Induction 2025 sa Pasay City South High School (PCSHS). Pinangunahan ang daloy ng programa nina Supreme Secondary Learner Government (SSLG) President Kayden Galen Seth C. Vera Cruz at SSLG Digital Artist Izhel Fayerich Landicho. Dumalo sa seremonya sina Dr. Felina P. Patagan, Punongguro IV, Dr. Basilisa D. Tomimbang, Public Schools District Supervisor (PSDS), Dr. Cynthia D. Abella, Assistant Principal ng JHS, G. Victor C. Tubilan, Assistant Principal ng SHS, mga Puno ng Kagawaran sa bawat asignatura, at iba pang tagapangasiwang guro sa mga kagawaran. Sa kanyang pambungad na pananalita, ipinahayag ni Dr. Abella ang pasasalamat sa lahat ng lumahok at naging bahagi ng mga samahan. Sinundan ito ng mga pahayag nina Dr. Patagan at Dr. Tomimbang na nagbigay-diin sa kahalagahan ng panunumpa at pananagutan ng bawat kasapi. “Ito po ang pinakahihintay natin sapagkat manunumpa na kayo, pero ang programang ito ay hindi nagtatapos sa panunumpa. Ito ay simula ng challenge at pagiging modelo ng kapwa mag-aaral,” ani Dr. Patagan.Nagbigay-aliw sa mga dumalo ang pagtatanghal ng Hatak South Nahay at Southenian Dancesport, na nagpamalas ng kanilang husay sa pagsayaw. Kasunod nito, ipinakilala ang mga tagapayo ng iba’t ibang organisasyon sa PCSHS kabilang sina Gng. Ma. Fatima A. Roja, adviser ng SSLG, at G. Johnsen Cortes ng Ang Bagwis. Ipinagkaloob din ang mga sertipiko sa mga nakibahagi sa Project LASPS. Bilang intermisyon, umawit si Bb. Karlisle Noelle P. Cruz ng Nandito Ako ni Ogie Alcasid.Pormal na winakasan ang programa sa pamamagitan ng pangwakas na pananalita ni G. Tubilan, na nagpaabot ng pasasalamat sa lahat ng samahan at kalahok.Sa pagtatapos ng Mass Induction 2025, higit na pinagtibay ang pananagutan at bagong pag-asa ng bawat kasapi bilang katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng mga organisasyon sa Pasay City South High School.
Grade 7 at 8 Acquaintance Party: Pagtatampok ng Pagkakaisa at Bagong Simula
Grade 7 at 8 Acquaintance Party: Pagtatampok ng Pagkakaisa at Bagong Simula by: ANG BAGWIS September 12 , 2025 Isinagawa noong Setyembre 12, 2025 sa Pasay City South High School ang masigla at makabuluhang Acquaintance Party para sa mga mag-aaral ng Grade 7 at Grade 8. Layunin ng aktibidad na ito na bigyang-daan ang mas malalim na pagkakaibigan, pag-unawa, at ugnayan sa pagitan ng mga bagong mag-aaral habang sinasalubong nila ang bagong taon ng pag-aaral. Sa pagbubukas ng programa, mainit na sinalubong ng mga guro at opisyal ng paaralan ang mga estudyante. Inilahad nila ang kahalagahan ng paggalang, pakikipagkaibigan, at pagbuo ng magandang kultura sa loob ng paaralan. Ang mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang section ay nagbahagi rin ng mga awitin at pagtatanghal bilang bahagi ng pagbubukas ng selebrasyon. Kasunod nito ay isinagawa ang mga paligsahan at interactive games na nagbigay ng kasiyahan at pagkakataong makihalubilo ang mga estudyante sa kanilang mga kaklase at kapwa baitang. Marami ang nagpakitang-gilas sa sayawan, kantahan, at iba pang talentong tunay na nakapagpasaya sa buong komunidad ng PCSHS. Naging bahagi rin ng programa ang maikling orientation tungkol sa mga panuntunan ng paaralan at paalala upang mapanatili ang kaayusan at magandang samahan sa buong taon. Ang mga mag-aaral ay pinaalalahanang maging responsable, disiplinado, at aktibong makilahok sa mga gawaing pampaaralan. Sa pagtatapos ng selebrasyon, dama ang saya at pagkakaisa sa mukha ng mga estudyante. Para sa Grade 7 at 8, ang Acquaintance Party 2025 ay hindi lamang simpleng pagtitipon, kundi simula ng panibagong kabanata ng pagkakaibigan, pagsasamahan, at paghubog ng mga karanasang hindi malilimutan.
Intramurals 2025
Intramurals 2025 by: THE WINGS September 9, 2025 Matagumpay na isinagawa sa Pasay City South High School ang pagbubukas ng Intramurals kahapon, Setyembre 8, 2025. Tampok sa programa ang iba’t ibang larangan ng palakasan at pisikal na aktibidad kung saan ipinamalas ng bawat baitang ang kanilang husay at talento. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at makabuluhang pakikipagpaligsahan, naipakita ng mga mag-aaral ng PCSHS ang tunay na diwa ng sportsmanship, disiplina, at kahusayan.
PCSHS Welcomes Regional Delegates of WorldSkills ASEAN Manila
WorldSkills ASEAN Manila PCSHS Welcomes Regional Delegates of WorldSkills ASEAN Manila by: THE WINGS August 29, 2025 Pasay City South High School welcomed regional delegates of the WorldSkills ASEAN Manila on August 29 with a lively program at 8:30 a.m. themed “One School, One Country.” Hosted by Ms. Mary Ann Garcia, the event featured cultural dances by PCSHS students and a special song-and-dance performance from ASEAN participants. Representing Principal Dr. Felina Patagan, Dr. Basilisa D. Tomimbang, PSDS Cluster 8 delivered an inspiring message, emphasizing that the gathering was not only an exchange of best as a subject. Another is the Bartending Laboratory where pastries and drinks were handed out to all delegates, maximizing hospitality and service trained in the TVL Strand. practices but also a celebration of unity and a shared mission for quality education. “This gathering is more than an exchange of best practices — it is a celebration of our shared commitment to quality education and the holistic development of our learners. The theme ‘One School, One Country’ reminds us that while we represent different institutions, we are united as one nation in our mission to nurture the minds and hearts of the Filipino people,” Dr. Tomimbang added. Delegates from various regions and Pasay City Mayor Emi Calixto also graced the occasion. After the program, school heads and student guides toured the visitors around PCSHS facilities, showcasing the school’s learning environment. The celebration highlighted collaboration, culture, and camaraderie—proving that at PCSHS, we are truly one school, one country. Lastly, they ventured in the Digital Hub. Featuring the TV monitor used for conferences, meetings and defenses and a robot battle showcase. All guests had a great time in seeing all the facilities and notes that the future of learning is continuous and always evolving. The students engaged in viewing the facilities of PCSHS, notably the Learning Resource Center, Digital Laboratory, various Home Economic Laboratories and ICT Laboratories, specially the Animation Lab and iMac Lab. The short tour was conducted by four representatives from the school. Showcasing the best features the institution has to offer. As they were touring, different activities and content was featured. Delegates took interest in the Animation Lab, where students hone their skills in animating
Teachers’ Month Kick-Off 2025, Matagumpay na Ginunita sa Pasay City South High School
Teachers’ Month Kick-Off 2025, Matagumpay na Ginunita sa Pasay City South High School by: ANG BAGWIS September 5, 2025 Opisyal na sinimulan ngayong Setyembre 5, 2025 ang National Teachers’ Month sa Pasay City South High School sa pamamagitan ng isang programa na may temang “Together4Teachers.”Pinangunahan ng mga guro, mag-aaral, at opisyal ng paaralan ang pagbubukas ng selebrasyon na isinagawa sa school grounds sa kabila ng pabago-bagong lagay ng panahon. Nagsimula ang programa sa pambansang awit, panalangin, at pag-awit ng Himno ng Pasay.Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Cynthia D. Abella, Kawaksing Punongguro sa Junior High School, ang kahalagahan ng pagkilala sa dedikasyon at sakripisyo ng mga guro. Kasunod nito, nagbigay naman ng pahayag si Dr. Felina P. Patagan, Punongguro IV, at sinabing sorpresa ang naturang selebrasyon para sa mga guro at umpisa pa lamang ito ng mga aktibidad sa buong Teachers’ Month.Nagpamalas ng talento ang mga mag-aaral sa Grade 11 sa kanilang mga pagtatanghal ng kultural na sayaw tulad ng Panueo Folk Dance ng Grade 11 – Copper at Grade 11 – Bromine, at Kadayawan Festival Dance ng Grade 11 – Iron.Bilang pagtatapos, nagpaulan ng confetti ang mga estudyante at club officers bilang simbolo ng masigla at matagumpay na pagdiriwang.
PCSHS TVL Students attending in WorldSkills
ASEAN Manila 2025 PCSHS TVL Students attending in WorldSkills ASEAN Manila 2025 by: ANG BAGWIS August 27, 2025 Students from the ICT Club – Senior High School of Pasay City South High School (PCSHS), together with their adviser, Mr. Glenn Arwin Bristol, visited WorldSkills ASEAN Manila 2025 in the World Trade Center to explore its wide showcase of technical skills and modern industries. The event turned Pasay City into a center of innovation and tech, featuring demonstrations in fields such as robotics, design, ICT, engineering, hospitality, and more. Throughout the venue, students observed how young professionals and industry experts applied their skills in real-world scenarios. The variety of booths, live showcases, and interactive learning spaces allowed the group to see how different technologies shape today’s workforce and future career opportunities. The students also visited major exhibitors, including Festo, which presented Industry 4.0 automation and mechatronic training systems, and the Cybertech Institute which highlighted essential cybersecurity tools and digital threat simulations. Both booths offered quick insights into how technology is used in advanced industrial and security settings. The visit provided the ICT Club with a meaningful and inspiring learning experience, helping them connect classroom concepts with real applications in today’s evolving tech landscape. The school hopes that opportunities like this continue to strengthen students’ interest in ICT and future-ready skills.
Bumida sa Southenians si Ms. Teen Earth Philippines 2025, Meridith Bobadilla, nang magbalik siya sa Pasay City South High School
Bumida sa Southenians si Ms. Teen Earth Philippines 2025, Meridith Bobadilla, nang magbalik siya sa Pasay City South High School by: ANG BAGWIS August 14, 2025 Bumida sa Southenians si Ms. Teen Earth Philippines 2025, Meridith Bobadilla, nang magbalik siya sa Pasay City South High School kahapon ng umaga. Isang masigabong palakpakan at hiyawan mula sa mga estudyante at guro ang sumalubong sa kaniya bilang pagbati sa kaniyang matagumpay na pagkamit ng Ikalawang Puwesto sa prestihiyosong Miss Teen Earth 2025 na ginanap sa India noong Agosto 9, 2025.
Matagumpay na isinagawa ang pagbubukas ng Buwan ng Kasaysayan na may temang “Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan
Matagumpay na isinagawa ang pagbubukas ng Buwan ng Kasaysayan na may temang “Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan by: ANG BAGWIS August 12, 2025 Matagumpay na isinagawa ang pagbubukas ng Buwan ng Kasaysayan na may temang “Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan” nitong Agosto 11, 2025 sa ganap na ika-8:30 ng umaga. Nagsimula ang selebrasyon sa school grounds na kung saan pinangunahan ito ng masiglang parada mula sa Drum and Lyre Ensembles, kasunod ang mga estudyanteng nag-cosplay bilang mga bayani ng ating kasaysayan.Matapos ang parada, nagtungo ang lahat sa AVR para sa pormal na pagbubukas ng programa. Nagbigay ng panimulang mensahe si Dr. Felina P. Patagan, Principal IV at tampok sa programa ang makabuluhang pagtatanghal ng mga piling estudyante na nagbigay-buhay sa kani-kanilang napiling bayani sa pamamagitan ng maikling paglalarawan at pagbigkas ng mga tanyag na pahayag ng mga ito.Isang makabuluhang paggunita na nagsisilbing paalala sa ating kabataan: ang kasaysayan ay buhay at patuloy na humuhubog sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.



