Philippine Red Cross, Nagsagawa ng CPR Caravan Bilang Paggunita sa CPR Day

by: ANG BAGWIS

October 1, 2025

Nagsagawa ng CPR Caravan ang Philippine Red Cross sa Pasay City South High School (PCSHS) ngayong Oktubre 1, 2025 bilang bahagi ng kanilang programa sa iba’t ibang lungsod upang gunitain ang CPR Day.
Pinangunahan ni Dr. Cynthia D. Abella, Assistant Principal II ng Junior High School sa pagbibigay ng pambungad na pananalita. Samantala, nagsilbing gabay at nagpahayag ng pangwakas na mensahe si Fernando Atienza, kinatawan mula sa Pasay Chapter.
 
Lumahok sa programa ang iba’t ibang organisasyon sa paaralan, kabilang ang mga mag-aaral mula sa Science, Technology, and Engineering (STE) Program ng baitang 7 hanggang 9.
Matagumpay na naituro at naipakita sa mga mag-aaral ang tamang pamamaraan ng pagsasagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR)—isang mahalagang kasanayan na maaaring magligtas ng buhay sa oras ng pangangailangan.