Bumida sa Southenians si Ms. Teen Earth Philippines 2025, Meridith Bobadilla, nang magbalik siya sa Pasay City South High School
by: ANG BAGWIS
August 14, 2025
Bumida sa Southenians si Ms. Teen Earth Philippines 2025, Meridith Bobadilla, nang magbalik siya sa Pasay City South High School kahapon ng umaga. Isang masigabong palakpakan at hiyawan mula sa mga estudyante at guro ang sumalubong sa kaniya bilang pagbati sa kaniyang matagumpay na pagkamit ng Ikalawang Puwesto sa prestihiyosong Miss Teen Earth 2025 na ginanap sa India noong Agosto 9, 2025.







