Matagumpay na ipinagdiwang sa Pasay City South High School ang School-Based World Teachers’ Day na may temang Together4Teachers
by: ANG BAGWIS
October 7, 2025
Matagumpay na ipinagdiwang sa Pasay City South High School ang School-Based World Teachers’ Day na may temang Together4Teachers, ngayong ika-7 ng Oktubre 2025. Ito ay ang araw upang gunitain ang taus-pusong paglilingkod ng mga guro sa mga mag-aaral upang matuto, magkaroon ng kaalaman, at mahubog ang kagandahang-asal upang maglingkod sa kapwa at sa bayan.
Nagpakita ng kahusayan sa pagsayaw ang ilang mga guro at mga puno ng paaralan upang magbigay ng kasiyahan sa pagdiriwang.
Kasabay ng pagdiriwang, pinarangalan din ang mga gurong nagbibigay-serbisyo sa pagtuturo sa loob ng 10 taon, 15 taon, 20 taon, at 30 taon. Binigyang-parangal din ang ilang dating mga guro ng paaralan. Kinilala naman ang mga natatanging guro sa bawat kagawaran sa Junior High School at Senior High School.
Mabuhay ang mga gurong palaging hangad ang pagkatuto ng mga mag-aaral.









