PCSHS AARIBA PATUNGONG REGIONAL MEET 2026
by: ANG BAGWIS
November 26, 2025
Matagumpay na nangibabaw ang katimugan matapos nilang makamit ang sunod-sunod na panalo sa semi-finals ng Division Meet 2025 na naganap kahapon, ika-25 ng Nobyembre 2025 sa PCSHS Gymnasium.
Sa Uno ng labanan na pinangunahan ni Prime Lanete ng Pasay City South High School kontra Pasay City East High School. Bagama’t bigo siya sa unang set (2-1), nakabawi naman ito sa mga sumunod na rounds (4-2, 3-1) dahilan ng kaniyang pagkapanalo.
Para naman sa Dos, hindi nagpatinag si Mark Joven Sioco ng PCSHS na nanalo sa dalawang round (3-0, 3-2) kontra Pasay City North High School.
Hindi rin nagpahuli si Euan James Dela Cruz ng PCSHS sa Tres na dinurog ang Pasay City East High School sa iskor na 5-0 at nagtapos na tabla (1-1).
Nagwagi rin para sa Kuatro si Dave Angel Tangonan ng PCSHS, pagkatapos ng tabla na iskor (1-1), bumwelo naman ito na naging resulta ng kaniyang wagi sa dalawang rounds (6-1, 5-4).
Para naman sa Sinco, nabigo man sa unang round si Elijah D. Omblero ng PCSHS (6-5), ngunit nakabawi naman sya sa mga sumunod na rounds ng labanan, (6-1, 5-4).
Hindi rin nagpatinag ang mga atletang kababaihan ng katimugan.
Sinimulan ni Rihanna Angel E. Lacson ang ang round ng Uno para sa mga kababaihan matapos niyang dominahin ang Kalayaan National High School sa iskor na 7-1.
Sa Dos naman ay winalis ni Rogelene Angelie A. Dantis ng PCSHS ang Pasay City North High School sa iskor na 6-1 at nagtapos sa 7-2. Nagwagi rin sa Tres si Rablyn R. Bautista ng PCSHS, sa dalawang rounds laban sa Pasay City West High School (5-1, 6-2). Nagpatuloy ng puwersa ng koponan matapos magwagi si Anne Stefhanie Mae M. Tigaronita ng PCSHS sa Kuwatro kontra Kalayaan National High School (2-0, 2-1).
Pinatunayan ni Rhian Kyla G. Bobis ng PCSHS ang kaniyang lakas na kamandag nang talunin niya ang Kalayaan National High School (6-2, 5-3).








