๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐š ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐’๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง

ANG BAGWIS โ€“ OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL

Maligayang inanunsyo ni Dr. Felina P. Patagan, Principal IV ang pagsisimula ng Brigada Eskwela 2025 sa Pasay City South High School (PCSHS), Hunyo 10, 2025 nang umaga.
Binigyang-karangalan nina Gng. Ann Carmeli Lovendino mula sa English Department at Bb. Krisly Valerta mula sa MAPEH Department ang lahat ng mga tumulong, kabilang ang mga guro, mga mag-aaral, at ang ilang kasapi ng komunidad.
Pinasalamatan din ni Dr. Patagan ang mga tumulong sa kasalukuyang Brigada Eskwela na kasapi ng kominidad kasama na rin ang School Parent-Teacher Association (SPTA).
โ€œNais kong magbigay pasalamat sa mga tumulong na SPTA Officers, Barangay Officials, Sulong Villamor, at TUPAD.โ€ Ika ni Dr. Patagan.
Ipinahayag ni Dr. Patagan na nakatutok ang mga tauhan ng paaralan sa pagpapalaganap ng mas magandang paligid para sa mga mag-aaral ng PCSHS.
โ€œNakatanggap kami ng 22 aircon units mula kay Mayora (Mayor Emi Calixto-Rubiano) at sa LGU (Local Government Units).โ€ dagdag ni Dr. Patagan.
Ipinakita rin ni Bb. Grace L. Cabayao ang mga mahahalagang nagawa nitong mga nakaraang taon simula 2020. Kabilang na rito ang bagong washing stations, DigiHub, at bagong pinturang mga upuan.
Inilahad ni Dr. Cynthia D. Abella, Assistant Principal ng Senior High School ang โ€œSustainabilityโ€ bilang pinakamalaking hamon ngayong Brigada Eskwela.
Nagbigay pasasalamat din sina Kap. Alvin Zuรฑiga, habang sinundan naman ng Pledge of Commitment sa pamumuno ni SPTA Pres. Pamela A. Manuel
Bilang pagtatapos ng programa, nagbigay ng mensahe ang Assistant Principal ng Junior High School ng PCSHS, Dr. Victor Tubilan para sa pangwakas na pananalita.
Inaasahan na magkakaisa ang mga guro, mag-aaral, magulang, at maging ang komunidad upang mas mapaganda pa at maging handa ang paaralan sa nalalapit na balik-eskwela.