Intramurals 2025
by: THE WINGS
September 9, 2025
Matagumpay na isinagawa sa Pasay City South High School ang pagbubukas ng Intramurals kahapon, Setyembre 8, 2025. Tampok sa programa ang iba’t ibang larangan ng palakasan at pisikal na aktibidad kung saan ipinamalas ng bawat baitang ang kanilang husay at talento.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at makabuluhang pakikipagpaligsahan, naipakita ng mga mag-aaral ng PCSHS ang tunay na diwa ng sportsmanship, disiplina, at kahusayan.

























