Gulayan sa Pamayanan Project

PASAY CITY SOUTH  HIGH SCHOOL :

Nag-iisang kasali  sa Gulayan sa Pamayanan Project sa Sekondari

Nina Wilma V. Amores At Isagani Nool

Disyembre 1, 2021 sinimulang isulong ng Pasay City South High School ang Gulayan sa Pamayanan Project katuwang ang ahensya ng DSWD matapos piliin ng Dibisyon ang PCSHS bilang lugar nang kaunana-unahan   GPP ng Pasay sa Sekondari.

Agad na nagsagawa ng panimulang programa ang paaralan. Dinaluhan eto nina Gng. Emilia L. Tolentino-Punongguro, G. Mark Anthony F. Famillaran- Katuwang na punongguro kasama ang kanilang mga Puno ng Kagawaran at Senior Group Heads. Naroon din sa nabanggit na programa ang mga kinatawan ng DSWD at ang kanilang mga coordinator ng 4 P’ s pati narin ang mga magulang ng 4 P’s na kabilang sa 100 na mahigit na  may kanya kanyang grupong kinabibilangan.

Sa nabanggit ding na okasyon ay nagpaunlak  ng isang panayam sina  Bb. Judy Ann Basca at Bb. Rances Sta Juana , mga kinatawan ng DSWD  . Ayon sa kanila layon ng GP Project ang makatulong sa pagsugpo  kagutuman at ng Malnutrisyon .sa bayan. At target na tatanggap ng benipisyo ay ang mga 4 P’s ng Pasay.

Sa panig naman ng paaralan ay maitaas ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng pagtatanim  ng gulay  at ang ibinibigay nitong nutrisyon sa ating katawan.

Bukod sa panayam ay binigyan din ng pagkakataon na magtanong ang ilan sa mga dumalo at agad naman etong natugunan, katulad ng pagkakaroon ng ID ng lahat na kasangkot sa proyekto , pagkakaroon ng mga gamit pantanin at schedule ng pagpunta at pamamalagi ng mga magulang sa paaralan.

Matapos ang programa ay agad sinamahan nina G. Isagani Nool, G.Dominador  Torio , Gng Editha Alimbuyugin , mga nakatalagang GPP Chair ng paaralan at Bb. Eleanor Alejandro tagapag-ugnay ng 4P’s. , ang mga taga DSWD at magulang ng 4 P’s sa itinalang lote para sa Gulayan.

At sa panghuli ay kinunan ng larawan ang lahat ng dumalo bilang patunay na nagkakaisa ang PCSHS at DSWD pagsulong ng Gulayan sa Pamayanan Project sa Pasay .

Magkatuwang na isinulong ng mga taga – Pasay City South High School sa pangunguna ng ating Principal, Gng. Emilia L. Tolentino at ng DSWD na kasama ang mga magulang ng mga mag-aaral na Iskolar ng 4 P’s ang GPP o Gulayan sa Paaralan Project sa Sekondari.

 

Ilan sa mga loteng itinalaga ng Pasay City South High School upang maging Harding Taniman sa GPP.