Kauna-unahang Inclusive Education Center sa PCSHS, Pinasinayaan
Kauna-unahang Inclusive Education Center sa PCSHS, Pinasinayaan
Ni: Wilma V. Amores,
Head Teacher VI-Kagawaran ng Filipino
Pinasinayaan ang IEC o ang Inclusive Education Center ng Pasay City South School nitong Disyembre 14, 2021 sa pangunguna ng ating Punongguro Gng . Emilia L. Tolentino kasama ang Non-Teaching Staff ng paaralan.
Dumating sa nabanggit na pasinaya ang ilang malalaking tao sa Dibisyon ng Pasay. Nariyan si CID -Chief Librado F. Torres, AO -IV HRMO Daniel A. De Ocampo at PSDS Dr. Rosalie R. Condes na nagsilbi ring panauhing pandangal sa araw na yaon.
Nauna nang ginanap ang Virtual na programa kaugnay sa Inclusive Education. At dito agad na nagpaunlak ng isang panayam si PSDS Condes sa nabanggit na programa.
Ayon sa kanya dito lang sa PCSHS ang kauna-unahang paaralan sa Sekondari ng Pasay ang may IEC , at siya’y nagagalak sa kaganapang ito.
Ang pagkakaroon ng IEC ng paaralan ay pagtugon narin sa Senate Bill No. 1907 o ang “ Instituting Services for Learners with Disabilities in Support for Inclusive Education Act na walang mag-aaral na may kapansanan ang mapagkakaitan ng opurtunidad na pumasok at makapag -aral sa pampublikong paaralan.
Ang IEC ay magiging sentrong facilidad sa mga nabanggit na mag-aaral. At ang PCSHS ay nakahanda na sa pagtugon sa panagangailangan ng mag -aaral na ito at bilang patunay ay ang pagpapadala ng paaralan ng 14 na kaguruan sa pambansang palihan noong Oktubre 22 -24 na may paksang “Educating Diverse Learners with Special Needs in the New Normal”.
Ipinapaliwanag ang paghahandang ginawa sa IEC ng PCSHS ni Gng Emilia L. Tolentino , Punongguro sa harap ng mga bisita mula sa SDO-PASAY.
Iniaabot ni Gng. Emilia L. Tolentino ang Sertipiko ng pagkilala kay Dr. Rosalie R. Condes bilang pasasalamat sa pagpapaunlak nito ng isang panayam