LIMITADONG FACE TO FACE CLASSES PINAGHANDAAN NG PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL

LIMITADONG FACE TO FACE CLASSES – PINAGHANDAAN NG PASAY CITY SOUTH HIGH SCHOOL

Ni: Wilma V. Amores,

Head Teacher VI-Kagawaran ng Filipino

Photo credits to: Mr Kristopher Ilas – SHS Teacher

                Alinsunod sa  panuntunan na nakasaad sa DepEd Memorandum no. 071, s.2021, kaugnay ng pagpapatupad ng Face-To-Face na klase ,  kinakailangan ang masinsinang paghahanda mula sa  silid na gagamitin  , sa mga kaguruan maging sa mga mag-aaral upang masabing handa na ang isang paaralan sa Limited Face To Face Classes.

                Upang makatugon dito naunang binuo ng pamunuan ng paaralan ang Komite , na mangunguna sa lahat ng gawaing paghahanda ng paaralan. Pinangunahan ito ng ating punungguro Gng. Emilia L. Tolentino kasama ang ating katuwang na punongguro Dr. Mark Anthony F. Familaran at ilan sa mga piling kaguruan lalo na ang ilang Puno ng kagawaran, ang DRRM Coordinators, Brigada Coordinator at mga  nurses ng paaralan.

                Sinundan ng  komite sa paghahanda   ng  SSAT o ang School Safety Assessment Tool na nakalakip sa nabanggit na  DepEd Memo.

                Hindi naging  madali  ang Gawain sapagkat kailangang sumunod sa napakaraming  Health Protocol ng IATF .Nariyan ang pagbuhay sa handwashing area,  pagtatayo ng  triage  para sa mga batang may 37.8 na temperatura ;  paghahanda ng isolation room sakaling makitaan ng simtomas ng covid 19 ang sinuman sa loob ng paaralan. upang dito antayin  ang local  government  unit  na  kaagapay ng paaralan na kukuha sa pasyente kasama ang nurse ng paaralan.  

                Idagdag pa rito ang kailangang pagpipintura ng sahig  para sa social distancing ,  pagpapaskil sa dingding ng lahat ng mga panuntunan sa pag-iwas sa  covid 19 at iba pang sakuna  upang  makamit ang maayos   na  pagpapatupad nito.

                Binigyan ng Isang linggong paghahanda ng SDO-Pasay ang paaralan.  Binusisi ng grupo ang mga dapat sundin at dapat  gawin upang pumasa sa balidasyon ng SDO-PASAY, paghahanda narin sa pagdating ng mga kinatawan ng Rehiyon.

                Matapos ang isang linggong paghahanda , dumating ang Division Monitoring Team. Naunang tumingin ang grupo nina Engr. Joanne Rose S. Eduria at G. Sylwyn S. Tenorio, Senior Education Program SPECIALIST – Soc Mob. Ayon kay Tenorio, “Hinigitan pa ng Pasay City South ang kanilang inaasahan”. Pumasa ang kanilang husga.

                Pinuri naman ng ikalawang grupo  ang paghahandang ginawa ng paaralan.  Pinangunahan eto ng Division Face to Face Focal Person na si Dr. Ramil D. Dorol , kasama sina Dr. Bernardita A. Perez at ilang PSDS at EPS. Ayon sa kanila sa lahat ng paaralan sa sekondari tanging Pasay City South High School ang maraming best practices. Ilan dito ay ang pagkakaroon ng mala-hotel na isolation room; paglalaan ng dalawang silid para sa dalawang set ng mga ma-aaral,; ang  malawak na  ground na may marka para sa social distancing  na handang handang para mag flag raising sa umaga ; Isama pa rito ang pagkakaroon ng paaralan ng Guidance Program nito.

                Nakamit ang mga papuri sa tulong tulong na pagkilos ng mga kaguruan at higit sa lahat  dahil na rin sa bagong talaga  na PSDS ng  Cluster 8 na si Dr. Renato B. Mesada  na siyang nagsilbing tagapayo  at naunang bumusisi sa paghahanda  kasama  ang Punongguro at Katuwang Punongguro ng paaralan.