ULAT NARATIBO SA OPLAN BALIK ESKUWELA 2022

Inihanda ni:

                                                                                                                        AMY O. VILLANUEVA

Mga Paghahanda para sa Taong Panuruan 2022-2023

          Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpalabas ng School Calendar and Activities sa Taong Panuruan 2022-2023. Bilang pagtalima sa kautusan ng Kagawaran, ang Pasay City South High School ay nagsagawa ng mga sumusunod na gawain:

A.   Enrollment na sinimulang gawin noong Ika-25, 2022 at ito ay magtatapos hanggang Agosto 22, 2022.

 

B.  Brigada Eskuwela nakasalukuyang isinasagawa ang Kick-off na palatuntunan ngayong Agosto 10, 2022. Ang Kick off ng Brigada eskuwela ay inumpisahan ng isang parada na nilahukan ng mga namumuno ng Pasay City South High School, mga guro, mag-aaral, mga magulang, GPTA Officers at ilang mga stakeholders, katulad ng SMART at MERALCO. Dumalo rin ang mga namumuno sa Brgy. 183 na kinabibilangan ng Pasay City South High School.

C. Oplan Balik Eskwela na sisimulan sa Agosto 15, 2022. Ang Pasay City South High School ay masusing pinaghahandaan ang pagbubukas muli ng paaralan sa Taong Panuruan 2022-2023. Dahil kaligtasan at kalusugan ng lahat ang prayoridad ng paaralan, inorganisa at inihanda ang lahat ng pasilidad dito para sa pagdating ng mga mag-aaral. Mula sa mga signages na may palatandaan hinggil sa usaping pangkalusugan at mga contract tracing forms para sap ag-iwas sab anta ng COVID-19.

           Naghanda rin ng isolation at Triaga Area kung saan maaaring manatili pansamantala at Health Desk na maaaring dumulog ang mga mag-aaral sakaling makaramdam ng mga sintomas.

            Mayroon ding mga waiting and holding areas upang mapanatili ang pagsunod sa health protocols at social distancing na lagging dapat pakatandaan ng lahat ng guro, kawani at mag-aaral ng paaralan sa pagbubukas ng klase.

            Sa loob naman ng mga silid-aralan ay maigi ring pinaghandaan at pinaganda mula sa mga classroom signages na may gabay kalusugan, mga upuan at mesa na may pangalan ng mga mag-aaral na nakatalaga para lamang sa bata. Naghanda rin ng mga Covid Essentials, foot baths at iba pang Health Kits na maaaring magamit upang mapanatili ang kalinisan at maging ligtas sa anumang sakit.

            Sa tulong naman ng DRRRM ay naihanda rin ang mga signages na magbibigay kaalaman sa mga kabataan para s amabilis na pagtugon sa mga di inaasahang sakuna gaya ng lindol, sunog at iba pa. Dahil dito, ang paaralan ay naghanda ng mga agarang solusyon gaya ng fire extinguisers at pagsunod sa tamang pasukan at labasan sa loob ng silid-aralan.

            Ang Pasay City South High School ay handang handa na sa pagbabalik ng mga kaguruan at mag-aaral sa pagbubukas ng klase.